33. EXT. ROOFTOP OF BUILDING. DAY.
Tahimik ang lugar. Hindi nagawang makarating ng ingay ng mga sasakyan sa ibaba. Makikita ang napakalawak at nakasisislaw na liwanag ng kalangitan at ang mga nagmukhang maliliit na gusali sa ilalim nito.
Umihip ang hangin at tinangay nito ng kaunti ang nakalugay na buhok ni Andrea bago niya ipinikit ang kanyang mga mata at sinimulang kausapin ang nakaupo sa kanyang tabi na si Dennis.





Any thoughts?